Huwebes, Pebrero 1, 2018

Ang Tunay Kong Mundo

Ni: Motonari Mouri


Bibigyan kita ng babala,
Sa aking tula'y wala kang mapapala.
Kaya ngayon pa lang ay huwag mo ng basahin,
Kung ito'y hindi mo naman kayang intindihin.

Gusto ko ng mamatay,
Oo gustong gusto ko nang  humimlay.
Hindi para takasan ang lahat,
Kundi dahil pagod na akong linisin ang aking mga kalat
.


Pagod na akong itama ang lahat ng mali,
Kung ito'y hindi ko na maikukubli.
ayoko ko na mag sabi ng totoo

kung ito'y hindi paniniwalaan ng husto

Pagod na akong ngumiti,
Kung sa likod nito'y nais ko na lang na magbigti.
Nakakapagod ng humalakhak,
Tuwing ako'y may hawak na alak.

Ayoko ng kausapin ang sarili ko,
kung aasa at kumakapit parin sa sariling pangako.
Pagod na ako kahihintay sa pag-asa,
Kung sa kadiliman ako'y nag-iisa.

Ayoko ng kumapit,
Kung sa akin, walang nais lumapit.

Sa mala batik batik na balat
At sa paniniwala Salat

Pagod na akong maghintay,
Kaya gusto ko na lang mamatay.
Nakakapagod ng gumising sa umaga,
Na ang mga mata'y namamaga.


Ayoko ng mabuhay sa mundong ito,
Kung kahit kailan hindi ko makuha ang aking gusto.
Ayoko ng pumunta sa mundong malayo,
Kung kahit anong lapit ko'y wala akong lugar sa mundo niyo.


Pagod na akong umasa,
Kung wala naman akong pag-asa.
Nakakapagod ng hanapin ang liwanag,
Kung sa bawat lapit ang lahat ay nabubuwag.

Ayoko ng kumapit sa sarili kong braso,
Kung ang paligid ko'y punong-puno ng mga tuso.
Nakakapagod din pasukin ang liwanag,
Na dahil sa takot, kayo'y nanginginig.


Nakakapagod tunguhin ang liwanag,
Kung walang kahit isang nais na pakinggan ang aking paliwanag.
Nakakapagod ng magtago na parang aso,
Takbo nang takbo kahit walang atraso.


Ayoko ng masilayan ang sikat mg araw,
Kung puso pasakit na lang ang natatamasa ko araw-araw.
Ayoko ng tumayo,
Ang nais ko ay lumayo.


Ayoko ng bumuo,
Kung alam kong ang lahat ng ito'y guguho.


Nakakapagod ng bulungan ang sarili kong unan,
Sa gabing lumuluha at walang mahagkan.
Nakakapagod ng magpursigi,
Kung ang mali ay ako na lang palagi.


Ayoko ng maghintay,
Ayoko ng maghintay.
Ayoko ng kumapit sa buhay,
Ang nais ko'y mamatay at sa kabaong ay humimlay.


Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko na.


Paulit-ulit na lang ang mga salita,
Ang mga maling talata.
Ayoko ng baguhin ang lahat,
Kung hindi ko naman na malilinis ang mga kalat.

Ayoko ng pasanin ang aking mundo,
Kung ako lang ang tao sa sarili kong mundo.
Sa lahat naman ako'y respeto,
Pero hayop kung kanilang itrato.

Ayoko ng tumayo sa problema,
Kung ang lahat ng ito'y hindi ko maitama.
Ayoko ng malunod sa balon na napakalalim,
Ayoko na muling magtungo sa dilim.


Ayoko na,
Tama na.
Nakakapagod na,
Ako'y nahihirapan na.


Ayoko ng harapin ang mga tao,
Kung peke lang ang lahat ng ako.
Ayoko ng magpakita ng kasiyahan,
Kung ang sakit ay hindi naman nila masilayan.

Ayoko ng ngumiti sa kanilang harapan,
Kung ang galit sa mata'y hindi nila masilayan.
Ayoko ng tumawa,
Kung hindi nila makita na ako'y kaawa-awa.


Kailan ba ako matatapos?
Kailan ba ako makakawala sa pagkakagapos?
Pagkakagapos sa sarili kong mga paa't kamay,
Gusto ko ng mamatay.

Sana sa pagtatapos ng buhay ko,
Matupad ko ang aking pangako.
Ngingiti na akong muli,
Totoo at sa lahat ay mananatili.


Walang kahit na anong bahid ng sakit,
Walang halong galit,
Walang kasamang pagkainggit.
Matatapos din ako at wala ng papalit.