Huwebes, Pebrero 1, 2018

Ang Tunay Kong Mundo

Ni: Motonari Mouri


Bibigyan kita ng babala,
Sa aking tula'y wala kang mapapala.
Kaya ngayon pa lang ay huwag mo ng basahin,
Kung ito'y hindi mo naman kayang intindihin.

Gusto ko ng mamatay,
Oo gustong gusto ko nang  humimlay.
Hindi para takasan ang lahat,
Kundi dahil pagod na akong linisin ang aking mga kalat
.


Pagod na akong itama ang lahat ng mali,
Kung ito'y hindi ko na maikukubli.
ayoko ko na mag sabi ng totoo

kung ito'y hindi paniniwalaan ng husto

Pagod na akong ngumiti,
Kung sa likod nito'y nais ko na lang na magbigti.
Nakakapagod ng humalakhak,
Tuwing ako'y may hawak na alak.

Ayoko ng kausapin ang sarili ko,
kung aasa at kumakapit parin sa sariling pangako.
Pagod na ako kahihintay sa pag-asa,
Kung sa kadiliman ako'y nag-iisa.

Ayoko ng kumapit,
Kung sa akin, walang nais lumapit.

Sa mala batik batik na balat
At sa paniniwala Salat

Pagod na akong maghintay,
Kaya gusto ko na lang mamatay.
Nakakapagod ng gumising sa umaga,
Na ang mga mata'y namamaga.


Ayoko ng mabuhay sa mundong ito,
Kung kahit kailan hindi ko makuha ang aking gusto.
Ayoko ng pumunta sa mundong malayo,
Kung kahit anong lapit ko'y wala akong lugar sa mundo niyo.


Pagod na akong umasa,
Kung wala naman akong pag-asa.
Nakakapagod ng hanapin ang liwanag,
Kung sa bawat lapit ang lahat ay nabubuwag.

Ayoko ng kumapit sa sarili kong braso,
Kung ang paligid ko'y punong-puno ng mga tuso.
Nakakapagod din pasukin ang liwanag,
Na dahil sa takot, kayo'y nanginginig.


Nakakapagod tunguhin ang liwanag,
Kung walang kahit isang nais na pakinggan ang aking paliwanag.
Nakakapagod ng magtago na parang aso,
Takbo nang takbo kahit walang atraso.


Ayoko ng masilayan ang sikat mg araw,
Kung puso pasakit na lang ang natatamasa ko araw-araw.
Ayoko ng tumayo,
Ang nais ko ay lumayo.


Ayoko ng bumuo,
Kung alam kong ang lahat ng ito'y guguho.


Nakakapagod ng bulungan ang sarili kong unan,
Sa gabing lumuluha at walang mahagkan.
Nakakapagod ng magpursigi,
Kung ang mali ay ako na lang palagi.


Ayoko ng maghintay,
Ayoko ng maghintay.
Ayoko ng kumapit sa buhay,
Ang nais ko'y mamatay at sa kabaong ay humimlay.


Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko na.


Paulit-ulit na lang ang mga salita,
Ang mga maling talata.
Ayoko ng baguhin ang lahat,
Kung hindi ko naman na malilinis ang mga kalat.

Ayoko ng pasanin ang aking mundo,
Kung ako lang ang tao sa sarili kong mundo.
Sa lahat naman ako'y respeto,
Pero hayop kung kanilang itrato.

Ayoko ng tumayo sa problema,
Kung ang lahat ng ito'y hindi ko maitama.
Ayoko ng malunod sa balon na napakalalim,
Ayoko na muling magtungo sa dilim.


Ayoko na,
Tama na.
Nakakapagod na,
Ako'y nahihirapan na.


Ayoko ng harapin ang mga tao,
Kung peke lang ang lahat ng ako.
Ayoko ng magpakita ng kasiyahan,
Kung ang sakit ay hindi naman nila masilayan.

Ayoko ng ngumiti sa kanilang harapan,
Kung ang galit sa mata'y hindi nila masilayan.
Ayoko ng tumawa,
Kung hindi nila makita na ako'y kaawa-awa.


Kailan ba ako matatapos?
Kailan ba ako makakawala sa pagkakagapos?
Pagkakagapos sa sarili kong mga paa't kamay,
Gusto ko ng mamatay.

Sana sa pagtatapos ng buhay ko,
Matupad ko ang aking pangako.
Ngingiti na akong muli,
Totoo at sa lahat ay mananatili.


Walang kahit na anong bahid ng sakit,
Walang halong galit,
Walang kasamang pagkainggit.
Matatapos din ako at wala ng papalit.

Miyerkules, Enero 24, 2018

Sana Maging Kami ni NAM

Ni: Motonari Mouri

Ang saya saya ko ng kausap ka.
Ang saya saya ko ng malaman mo na.
Ang saya saya makita kita ka.
Ang saya saya ko ng mapanaginipan ka.

Mr NAM sana ikaw ang naka tadhana sa akin.
Dahil sa simple mong dating ang nag akit sa akin.
Simple Tindig ng Boses mo ng bumuhay sa akin.
At mapalad ako pag ika'y naging akin.

Natutuwa ako pag nakita kitang masaya.
Sa simpleng mensahe mo ako'y napaligaya.
Kahit patago ang lihim ko sa iyo sinta.
Na unti - unti mong pinasaya.

Salamat sa diyos ika'y akin na.
Duon sa pa tayo nag pakasal sa europa.
Dahil duon ay walang bawal.
Sa silanganan maraming tutol at ipinagbabawal.

Natutuwa kang makita na ako'y lumuluha.
Habang nakatali ang mga leeg ko sa iyong kama.
Kasiyahan sa iyong mga mata kapag ako'y  nakita.
Ang sakit naranasan ko, nag mula sa ulo mo sinta.

Naalala ko pa ang una nating anebersaryo.
Ipinaghanda mo ako ng paborito ko champorado.
Nang matapos sabay diretcho sa kwarto.
Kung saan nag liliwanag ang pula't kulay ginto.

Yun pala'y Kandila't mga rosas sa kama mo.
Napaka romansa ng gabing kasama mo, ko.
Halos mapuno ng dugo ang puting Kobre - kama mo.
Nainihandog mo sa buong pag katao ko.

Na angking, tuluyan ang buong pag katao ko.
Pati sa lasa ng iyong balat ay nababaliw ako.
Nasa bawat pananaig ng mga katawan natin dalaawa.
Tila bang Musika sa ating mga taenga.

Nakakapili sa pakiramdam.
Ang pagtuklap mo sa mga kuko ko na unti - unti mong dinadaamdam.
Kung saan tuwing gabi ito ang pampatulog ko't mo,
At ang mga hikbi natin para masa mapahimbing  ang tulog ko't mo.

Pero ang lahat ng ito'y  mangyayari sa panaginip ko lang.
Na umaasa na magiging, sana tayo na lang.
Kahit gaano karami pang panulaan ang hihain ko.
Tiyak na alam ko na ikaw ang pinapatamaan ko.

Nasa pagdaan ng bawat gabi tanging ikaw ang nasa isip ko.
Bulong ng puso ko ay tanging ikaw. Gayun din ang hugis ng labi mo.
Pag sa tuwing iisipin ko tila naka pang - aakit ito.
Kahit wala kang ginagawa, lundag  naman ang kaluluwa ko.

Mr NAM kailan ba magiging tayo.
Yung tipong hindi ka hahanap ng iba hanggang sa dulo.
Dahil ngayon ko lang muling maranasan ng mag kaganito.
Ang mabaliw araw - araw sa isang tulad mo.

Alam ko naman na lam mo na
Na may ingat na pag tingin ako sa isang tulad mong binata.
Hindi ako bakla gaya ng iniisip ng karamihan sa bayan.
Bisexual lang ako nag mamahal sa dalawang kasarian.

Pero sana maging tayo hanggang katapusan,
At bago man tayo maka graduate sa atin paaralan,
Sana ako ang binubulong ng puso mo.
Dahil ayokong napilitan ka na  mahalin mo lang ako.

Ng dahil sa panulaan ko ay sana'y na usisag kita.
Pero nagdarasal parin ako at sumasampalataya.
Kahit na imposibleng matupad ito, at bawal.
Ngunit mananatili parin ako sa pag darasal.

Na sana ikaw na lang ang ka irog ko habang buhay.
Sa pag tanda at kasama sa iisang bahay.
Mr NAM hindi ka gwapuhan ngunit may dating.
At sana sa buhay ko ay unti -  unti ka narin dumating.

Linggo, Oktubre 15, 2017

Walang Pamagat sa Pag - Ibig ko.

Ni: Motonari Mouri


Nakakahumaling ang iyong tindig
Inosenteng kilos at maangas na tinig
Ñino que saca las lágrimas hasta caer muerto del lanto, aking pusong umiibig
Oras ay patuloy sa pag ikot. Habang ako'y nanatiling nakatindig

Ako'y Umaasa na magiging tayo pa
Rosas ay nag aantay na maambunan pa
At sikatan ng araw na sa iyong nag mula. 
Nanaginip na ikaw at ako kahit wala.. 
At umaasa na may kunting lihim ka, 
Sa akin na unting unting na bubuo, teka!

Minsan hindi mo na napansin
Ingat yaman kong pagtingin
Joy ang makikita mo sa akin
At tunay na pusong kaya kang mahalin
Rose na mapula ngunit may tinik din
Eto kagandahan ay nag papapansin
Sana ay kaya mo rin akong mahalin.

Bulong Bulongan ay Hustisya kay Chairman

Ni: Motonari Mouri


Hustisya.... Hustisya.... Hustisya. 
Hustiya para sa aming chairman, hustisya. 
Masipag, matulungin, mapagbigay, hustisya.
Ikulong kung sino man ang pumatay, hustisya.

Hustisya yan ang sigaw ng pamilyang namatayan
Hustisya ang bulong bulongan ng buong bayan
Hustisya ang hiyaw ng kaluluwa ni chairman
Na pinatay sa hindi malaman ang dahilan.

Si chairman parce ay maraming natulungan. 
Marami narin siyang binagong buhay sa bayan. 
Siya na ata ang ama na pwede mong sandalan
Sa oras ng kagipitan.

Para sa amin siya ang super hero ng lipunan. 
Dahil sa mga pagsubok na kanyang naranasan. 
Ibat ibang tao narin ang kanyang nakasa lamuha. 
Dahil taglay niya ang pusong bilog ng suha.

Nag luluksa ang pamilya ni chairman sa harap ng madla. 
Na ngangalit sa ibabaw ng apoy ng kandila. 
Tinitiis ang hirap na kanilang pasan pasan
kasabay nito ang pag laganap ng luhang, halimuyak ng sampaguita sa kalupaan

Ngunit mga hangal na tao ay na diyan
Handa kang sirain ang sa iyong kinabukasan
Di mawariy kung sila ba ay may katangahan
O sadyang may kinaiinisan.

Hustisya para sa chairman ng aming bayan. 
Na binaril, at kumaway si kamatayan
Nag iisang tao lang ang sa kanyang siyang tinulungan
Ang isa na man duwag at nag tago sa kanyang lugaan

Ang exco kung tawaging ng aming bayan
Nakatira daw sa break, at siya pinag kantiyawan. 
Na kasabwat sa pag patay sa mabutihing chairman.

Pero ayun may hawak na siyang baril, asan. 
Anduon pinannood at walang ginawang hangang sa malagutan. 
Nang puntahan sa kanilang tahanan. 
Nag tago at nag pakalayo sa kapamahakan.

Ngunit kung may kalaban
Meron din taga pagligtas si chairman. 
Alyas pepe salado't mabuting kaibigan. 
Na laging na sa baranggay at maasahan.

Sabi ng asawa ni parce ang karma ay na diyan
Kaya lilitaw na lang si kamatayan.
Upang pag bayaran ang inyong mga kasalanan
Na pinatay niyo na di mawari ang dahilan.

Kaya ang bulungan ng buong bayan. 
Ay hustisya kay chairman. 
Hustisya kay chairman. 
Hustisya kay chairman.

Pag tingin ko kay Crush II

Ni: Motonari Mouri


Nalaman mo na pala. 
Ang mga ingat kong tala.
Na lihim kong tinago. 
Upang hindi mag bago.

Ngayon alaman mo na. 
Sa akin iiwas na. 
Ni ayaw kausapin.
Madla na lang pansinin.

Tala unting naglaho. 
Ulap din ay naglaho. 
Pagtingin mo sa akin. 
Unti lumayo sa'kin.

Hindi kita mabatid.
Kung ikaw ba ay manhid. 
Hindi ko rin mawari. 
Ang wangis na Lagari.

Na sa tuwing titigan. 
Parang may katanungan.
Ka! sa akin na gusto.
Mong malaman ng husto.

Ayokong umasa pa. 
Na magiging tayo pa. 
Pilit kong man itangi.
Lihim ko natatangi.

Ako'y sobrang nasaktan.
Gayun sa kalungkutan. 
Ano ba ang dahilan. 
Kung bakit nasasaktan.

Unting unting nabaliw. 
Tulad, makulit sisiw.
Hindi rin mapakali. 
Katawan lasang sili.

Ngunit hayaan mo na. 
Kahit imposible na. 
Sa panaginip na lang. 
Aasang tayo na lang.

Matagal mo na alam. 
Tila na kikiramdam. 
Na ikaw aking mahal. 
Mahal, mahal na mahal.

Ngayon ay alam mo na. 
Aking nararamdaman. 
Gusto ko ng malaman. 
Kung puso'y ko mapuna.

Alam kong bawal ito. 
Sana tanggapin mo to. 
Ang puso ng bisexual.
Tunay-pusong bisexual.

Ang Problema ni Ina

Ni: Motonari Mouri


Dama mo ang ang hirap ni ina. 
Para lang sa kanyang pamilya. 
Lahat gagawin makaahon,
Lang sa hirap nanaranasan. 

Ano bang klaseng problema to. 
Parang linta ng buong siglo. 
Nasa kanyang buhay kumapit, 
At paulit-ulit na sinapit. 

Ayun! Ang asawang bwesit. 
ang trabaho ay magpasakit. 
Si ina ay nag kuba kuba. 
Sa trabaho at mga problema. 

Lahat ginawa sa pamilya. 
Tiniis ang kahihiyan na, 
Ipinag kakalat ni eling, 
Na tambak si ina sa utang. 

Walang paki-alam si ina. 
Ang importante ay masaya,
Sama sama silang mag-ina. 
Sa hirap na tinatamasa. 

Wala rin siyang paki-alam. 
Sa asawang takam na takam. 
Sa alak, expired man o hindi. 
Yan ay hinding hindi tatangi. 

Dahil wala naman yun paki. 
Sa pamilya na ina-api. 
Ng mga kantiyawan ng iba. 
Tao, dahil feeling binata. 

Dinamayan siya ng mga ulap. 
Sa pag iyak sa pag hihirap.
Na dapat na ipapambayad. 
Sa alak na punta't binayad. 

Bwesit si Ama. Bwesit, bwesit.
Walang kang silbing ama, bwesit.
Taggapin mong isa kang gurang. 
Hindi binata't alam - tigang. 

Ang mga problema ni dakila. 
Na sa kanya nag papakita. 
Kailangan kaya matutuldukan. 
Nang maka hinga ng magaan.

T.A.N.G I.N.A

Ni: Motonari Mouri


Bwesit na buhay aking kinamuhian. 
Para akong araw araw na sa digmaan. 
Hindi nila batid ang sa aking nararanasan. 
Kaya kung ganon lang nila ako pilitin na Katasan.

Tang ina na man umabot hanggang bahay.
Ang ka bwesitan na dapat na ihiwalay. 
Parang anino sa aking pa sumabay. 
Kaya ang problema ayaw humiwalay. 

Pagod sa eskwela dahil sa final exam naranasan.
Nang makauwi, lagapak sa kutsiyon na higaan. 
Walang akong pakialam kung sino tao sa aming tahanan. 
Upang ipahinga ang utak na kinatasan. 

Ngunit ang bangongot laging andiyan. 
Lilitaw ng di mo na mamalayan. 
At ano mang oras ay kayang tayong kitilan
Ng hindi natin na mamalayan. 

Tang ina buhay to pati sa eskwela ay may kahayupan
Mga taong gahaman sa kaalaman. 
Ay walang pakialam sa taong nahihirapan. 
Sila pa dahilan upang ika'y panghinaan. 

Whooo tang ina naman nito
Pati si A. M. A ay sumabay pa dito
Sa kayabang hindi kayang panindigan. 
Kaya sa oras na siya'y matino ayun nasa lungaan. 

Tang ina sasabay ka pa
Sa porblema ng aking na tatamasa. 
Gusto ko na nga mag pakamatay. 
Ngunit ititigil ko muna baka may madamay.


Huwebes, Setyembre 21, 2017

Haiku

Ni: Motonari Mouri


Musika


Napakagandang. 
Musika't ginawaan. 
Likhang awit. 

Tambol at plauta. 
Magandang kombinasyon. 
Sayang pakinggan. 

At sabayan pa. 
Nang nakakahumaling
Tinig, sa awit 

Pokemon


Munting alaga. 
Sa tuwing pag mamasdan. 
Ang saya nila.

Tila bata lang. 
Ang cute na pokemon kong. 
Mga alagain. 

Super cute nila. 
Lalo na si celibe. 
At chikorita. 


Ulan


Sa isang patak. 
Maraming mabubuhay, 
Makikinabang. 

Sa taglay nito. 
Sigla at kagalakan. 
Isang nilalang. 

Kaya papuri
Sa at in diyos hesus. 
Ang siyang may likha. 


Apoy


Mapanira daw.
Ang liwanag ng apoy. 
Kaya umiwas. 

Ang mamamayan. 
Sa nangalit ng apoy. 
Ngunit pag sisi

Ay kailangan na
Ang apoy na liwanag. 
Ay natuluyan

Itim na salamangka

Ni: Motonari Mouri


Nang siya ay kanyang masilayan.
Iba kanyang naramdaman.
Parang siyang batang nasasabik.
N
ang makita ng malapitan nawalan ng imik.

Mahabang titigan ay naganap.
Ang isa ay nilinlang na pagpaggap.
Natitigan siya ng Kay tagal.
Takbo ng orasan ay bumagal.

Salamat sa itim na salamangka.
Siya'y tuluyan na akin ng mang sasaka.
Halika ka binibining Maka
Ngayon gabi sa lilim ng buwan mag kita.

Mag kita kayo sa gitna ng palayaan.
Huwag pansinin ang mga bulungan.
Lagpasan ang lahat ng paderan.
Lundagan ang mga kanal ng buwan. 

Kaya gamit ang itim na sa lamangka.
Ikaw ay nag pakasasa sarap ng isang langka.
Laging daan ang ito'y maykapalit.
Tanggapin at mag sisi ng paulit ulit.

Dalawang damdamin ay pinagtagpo.
Gamit ang itim na salitang Mano po.
Ang tadhana at pag kakataon ay nabilog.
Na linlang,binago ng itim na salamangkang lubog.

Pinapangarap ka lang niyang angkinin
Ngayon na tupad kamalayan na angkin.
Dating gawin Na isipan gawin.
Nag timpla ng isang tasang inumin. 

Usapan nila ay bumuhos.
Kahit walang patid na agos.
Aking kaibigan hanggang kailan.
Tandaan ang pag sisisi na sa kaduluhan.

Medusa

Ni: Motonari Mouri


Sa templo ng gubat ikaw ang natatanaw. 
Kagandahan mo'y nag liliwanag parang ilaw. 
Ikaw daw ay isang diwata sa ilalim ng araw. 
Na unti unti ginagawang bato ang biktima at tinutunaw. 

Mga tribo takot sayo kaya ikaw ay tinatanaw.
Para ka daw pasikat na araw. 
Ang kalahating tao at ahas mo'y gandang umiilaw. 
Kaya sa pag ibig kalalakihan ay na uuhaw. 

Mundo man ng imperyno ay magunaw. 
At si lucifer man ay lumitaw. 
Parang sobrang maginaw. 
Kapag nakita ka lang kami iyong hinahataw. 

Ikaw ang Medusa na tinatanglaw. 
Sa aming mundo ikaw na ang araw. 
Hindi pa natatalo tulad ng palitaw. 
Dahil ikaw si Medusa tanging ikaw. 

Hindi matatakot sayo si Lucifer halimaw. 
Kahit isang libong kawal pa na bakulaw. 
Dahil si meduaa kasing lakas ang isang bulalakaw. 
Kaya kami ay natatakot araw araw.

Aura

Ni: Motonari Mouri


Sa kalangitan ikaw ay natatanaw. 
Habang ang katawan mo'y kumikinang parang ilaw. 
Para kang diyos sa ilalim ng araw. 
Unti unti kaming natutunaw. 

Lagi kang tinatanaw.
Na parang sikat ng araw. 
Ang itong ganda ay umiilaw. 
Sa pag ibig mo kamiy na uuhaw. 

Mundo man ay magunaw. 
At si froze man ay lumitaw. 
Kahit na sobrang maginaw. 
Pag ibig mo parin ang hahataw. 

Ikaw ang diyos na tumatanglaw. 
Sa aming mundo ikaw ang araw. 
Hindi lulubog tulad ng palitaw. 
Napatunayan mo na si Aura ay ikaw. 

Hindi matatakot sa halimaw. 
Kahit isang libong bakulaw. 
Dahil kasing lakas mo ang bulalakaw. 
Mahal ka namin araw araw.



Lucifer

Ni: Motonari Mouri


Bawat kaharian iisa lang ang hari. 
Ngunit may katanungan na di mawari. 
Bakit ba may haring hindi makuntento. 
Na siya na ang ma upo sa imperynong trono. 

Si Lucifer ang hari ng ilalim ng kalupaan. 
Sa kampon siya'y kinakatakutan. 
Sa lahat ng bagay siya ay masususnod. 
Mabangis din na demonyo sa kanya rin ay lumuluhod. 

Isang araw si lucifer ay lumapit. 
At ang sabi ang buhay niya Kay pait. 
Minimithing pangarap hindi niya makamit. 
Dahil pangarap niya makatikim ng ibang trono kahit saglit. 

Tronong inaasam hindi lang sa karagatan. 
Dahil hanggad niyarin makaakyat sa trono ng kalangitan. 
Ako'y nagulumihan sa kanyang dinaing. 
Ang sabi ko ambisyon mo di mo mararating. 

Trono hanggad si Jesus Christ ang may ari. 
Sa kanyang kampon siya lagi ang hari. 
Magagandang demonyo sa iyo hindi na luluhod. 
Dahil sila ay lalaban at hahantong man ulit sa puntod.