Linggo, Oktubre 15, 2017

Ang Problema ni Ina

Ni: Motonari Mouri


Dama mo ang ang hirap ni ina. 
Para lang sa kanyang pamilya. 
Lahat gagawin makaahon,
Lang sa hirap nanaranasan. 

Ano bang klaseng problema to. 
Parang linta ng buong siglo. 
Nasa kanyang buhay kumapit, 
At paulit-ulit na sinapit. 

Ayun! Ang asawang bwesit. 
ang trabaho ay magpasakit. 
Si ina ay nag kuba kuba. 
Sa trabaho at mga problema. 

Lahat ginawa sa pamilya. 
Tiniis ang kahihiyan na, 
Ipinag kakalat ni eling, 
Na tambak si ina sa utang. 

Walang paki-alam si ina. 
Ang importante ay masaya,
Sama sama silang mag-ina. 
Sa hirap na tinatamasa. 

Wala rin siyang paki-alam. 
Sa asawang takam na takam. 
Sa alak, expired man o hindi. 
Yan ay hinding hindi tatangi. 

Dahil wala naman yun paki. 
Sa pamilya na ina-api. 
Ng mga kantiyawan ng iba. 
Tao, dahil feeling binata. 

Dinamayan siya ng mga ulap. 
Sa pag iyak sa pag hihirap.
Na dapat na ipapambayad. 
Sa alak na punta't binayad. 

Bwesit si Ama. Bwesit, bwesit.
Walang kang silbing ama, bwesit.
Taggapin mong isa kang gurang. 
Hindi binata't alam - tigang. 

Ang mga problema ni dakila. 
Na sa kanya nag papakita. 
Kailangan kaya matutuldukan. 
Nang maka hinga ng magaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento