Linggo, Oktubre 15, 2017

Walang Pamagat sa Pag - Ibig ko.

Ni: Motonari Mouri


Nakakahumaling ang iyong tindig
Inosenteng kilos at maangas na tinig
Ñino que saca las lágrimas hasta caer muerto del lanto, aking pusong umiibig
Oras ay patuloy sa pag ikot. Habang ako'y nanatiling nakatindig

Ako'y Umaasa na magiging tayo pa
Rosas ay nag aantay na maambunan pa
At sikatan ng araw na sa iyong nag mula. 
Nanaginip na ikaw at ako kahit wala.. 
At umaasa na may kunting lihim ka, 
Sa akin na unting unting na bubuo, teka!

Minsan hindi mo na napansin
Ingat yaman kong pagtingin
Joy ang makikita mo sa akin
At tunay na pusong kaya kang mahalin
Rose na mapula ngunit may tinik din
Eto kagandahan ay nag papapansin
Sana ay kaya mo rin akong mahalin.

Bulong Bulongan ay Hustisya kay Chairman

Ni: Motonari Mouri


Hustisya.... Hustisya.... Hustisya. 
Hustiya para sa aming chairman, hustisya. 
Masipag, matulungin, mapagbigay, hustisya.
Ikulong kung sino man ang pumatay, hustisya.

Hustisya yan ang sigaw ng pamilyang namatayan
Hustisya ang bulong bulongan ng buong bayan
Hustisya ang hiyaw ng kaluluwa ni chairman
Na pinatay sa hindi malaman ang dahilan.

Si chairman parce ay maraming natulungan. 
Marami narin siyang binagong buhay sa bayan. 
Siya na ata ang ama na pwede mong sandalan
Sa oras ng kagipitan.

Para sa amin siya ang super hero ng lipunan. 
Dahil sa mga pagsubok na kanyang naranasan. 
Ibat ibang tao narin ang kanyang nakasa lamuha. 
Dahil taglay niya ang pusong bilog ng suha.

Nag luluksa ang pamilya ni chairman sa harap ng madla. 
Na ngangalit sa ibabaw ng apoy ng kandila. 
Tinitiis ang hirap na kanilang pasan pasan
kasabay nito ang pag laganap ng luhang, halimuyak ng sampaguita sa kalupaan

Ngunit mga hangal na tao ay na diyan
Handa kang sirain ang sa iyong kinabukasan
Di mawariy kung sila ba ay may katangahan
O sadyang may kinaiinisan.

Hustisya para sa chairman ng aming bayan. 
Na binaril, at kumaway si kamatayan
Nag iisang tao lang ang sa kanyang siyang tinulungan
Ang isa na man duwag at nag tago sa kanyang lugaan

Ang exco kung tawaging ng aming bayan
Nakatira daw sa break, at siya pinag kantiyawan. 
Na kasabwat sa pag patay sa mabutihing chairman.

Pero ayun may hawak na siyang baril, asan. 
Anduon pinannood at walang ginawang hangang sa malagutan. 
Nang puntahan sa kanilang tahanan. 
Nag tago at nag pakalayo sa kapamahakan.

Ngunit kung may kalaban
Meron din taga pagligtas si chairman. 
Alyas pepe salado't mabuting kaibigan. 
Na laging na sa baranggay at maasahan.

Sabi ng asawa ni parce ang karma ay na diyan
Kaya lilitaw na lang si kamatayan.
Upang pag bayaran ang inyong mga kasalanan
Na pinatay niyo na di mawari ang dahilan.

Kaya ang bulungan ng buong bayan. 
Ay hustisya kay chairman. 
Hustisya kay chairman. 
Hustisya kay chairman.

Pag tingin ko kay Crush II

Ni: Motonari Mouri


Nalaman mo na pala. 
Ang mga ingat kong tala.
Na lihim kong tinago. 
Upang hindi mag bago.

Ngayon alaman mo na. 
Sa akin iiwas na. 
Ni ayaw kausapin.
Madla na lang pansinin.

Tala unting naglaho. 
Ulap din ay naglaho. 
Pagtingin mo sa akin. 
Unti lumayo sa'kin.

Hindi kita mabatid.
Kung ikaw ba ay manhid. 
Hindi ko rin mawari. 
Ang wangis na Lagari.

Na sa tuwing titigan. 
Parang may katanungan.
Ka! sa akin na gusto.
Mong malaman ng husto.

Ayokong umasa pa. 
Na magiging tayo pa. 
Pilit kong man itangi.
Lihim ko natatangi.

Ako'y sobrang nasaktan.
Gayun sa kalungkutan. 
Ano ba ang dahilan. 
Kung bakit nasasaktan.

Unting unting nabaliw. 
Tulad, makulit sisiw.
Hindi rin mapakali. 
Katawan lasang sili.

Ngunit hayaan mo na. 
Kahit imposible na. 
Sa panaginip na lang. 
Aasang tayo na lang.

Matagal mo na alam. 
Tila na kikiramdam. 
Na ikaw aking mahal. 
Mahal, mahal na mahal.

Ngayon ay alam mo na. 
Aking nararamdaman. 
Gusto ko ng malaman. 
Kung puso'y ko mapuna.

Alam kong bawal ito. 
Sana tanggapin mo to. 
Ang puso ng bisexual.
Tunay-pusong bisexual.

Ang Problema ni Ina

Ni: Motonari Mouri


Dama mo ang ang hirap ni ina. 
Para lang sa kanyang pamilya. 
Lahat gagawin makaahon,
Lang sa hirap nanaranasan. 

Ano bang klaseng problema to. 
Parang linta ng buong siglo. 
Nasa kanyang buhay kumapit, 
At paulit-ulit na sinapit. 

Ayun! Ang asawang bwesit. 
ang trabaho ay magpasakit. 
Si ina ay nag kuba kuba. 
Sa trabaho at mga problema. 

Lahat ginawa sa pamilya. 
Tiniis ang kahihiyan na, 
Ipinag kakalat ni eling, 
Na tambak si ina sa utang. 

Walang paki-alam si ina. 
Ang importante ay masaya,
Sama sama silang mag-ina. 
Sa hirap na tinatamasa. 

Wala rin siyang paki-alam. 
Sa asawang takam na takam. 
Sa alak, expired man o hindi. 
Yan ay hinding hindi tatangi. 

Dahil wala naman yun paki. 
Sa pamilya na ina-api. 
Ng mga kantiyawan ng iba. 
Tao, dahil feeling binata. 

Dinamayan siya ng mga ulap. 
Sa pag iyak sa pag hihirap.
Na dapat na ipapambayad. 
Sa alak na punta't binayad. 

Bwesit si Ama. Bwesit, bwesit.
Walang kang silbing ama, bwesit.
Taggapin mong isa kang gurang. 
Hindi binata't alam - tigang. 

Ang mga problema ni dakila. 
Na sa kanya nag papakita. 
Kailangan kaya matutuldukan. 
Nang maka hinga ng magaan.

T.A.N.G I.N.A

Ni: Motonari Mouri


Bwesit na buhay aking kinamuhian. 
Para akong araw araw na sa digmaan. 
Hindi nila batid ang sa aking nararanasan. 
Kaya kung ganon lang nila ako pilitin na Katasan.

Tang ina na man umabot hanggang bahay.
Ang ka bwesitan na dapat na ihiwalay. 
Parang anino sa aking pa sumabay. 
Kaya ang problema ayaw humiwalay. 

Pagod sa eskwela dahil sa final exam naranasan.
Nang makauwi, lagapak sa kutsiyon na higaan. 
Walang akong pakialam kung sino tao sa aming tahanan. 
Upang ipahinga ang utak na kinatasan. 

Ngunit ang bangongot laging andiyan. 
Lilitaw ng di mo na mamalayan. 
At ano mang oras ay kayang tayong kitilan
Ng hindi natin na mamalayan. 

Tang ina buhay to pati sa eskwela ay may kahayupan
Mga taong gahaman sa kaalaman. 
Ay walang pakialam sa taong nahihirapan. 
Sila pa dahilan upang ika'y panghinaan. 

Whooo tang ina naman nito
Pati si A. M. A ay sumabay pa dito
Sa kayabang hindi kayang panindigan. 
Kaya sa oras na siya'y matino ayun nasa lungaan. 

Tang ina sasabay ka pa
Sa porblema ng aking na tatamasa. 
Gusto ko na nga mag pakamatay. 
Ngunit ititigil ko muna baka may madamay.


Huwebes, Setyembre 21, 2017

Haiku

Ni: Motonari Mouri


Musika


Napakagandang. 
Musika't ginawaan. 
Likhang awit. 

Tambol at plauta. 
Magandang kombinasyon. 
Sayang pakinggan. 

At sabayan pa. 
Nang nakakahumaling
Tinig, sa awit 

Pokemon


Munting alaga. 
Sa tuwing pag mamasdan. 
Ang saya nila.

Tila bata lang. 
Ang cute na pokemon kong. 
Mga alagain. 

Super cute nila. 
Lalo na si celibe. 
At chikorita. 


Ulan


Sa isang patak. 
Maraming mabubuhay, 
Makikinabang. 

Sa taglay nito. 
Sigla at kagalakan. 
Isang nilalang. 

Kaya papuri
Sa at in diyos hesus. 
Ang siyang may likha. 


Apoy


Mapanira daw.
Ang liwanag ng apoy. 
Kaya umiwas. 

Ang mamamayan. 
Sa nangalit ng apoy. 
Ngunit pag sisi

Ay kailangan na
Ang apoy na liwanag. 
Ay natuluyan

Itim na salamangka

Ni: Motonari Mouri


Nang siya ay kanyang masilayan.
Iba kanyang naramdaman.
Parang siyang batang nasasabik.
N
ang makita ng malapitan nawalan ng imik.

Mahabang titigan ay naganap.
Ang isa ay nilinlang na pagpaggap.
Natitigan siya ng Kay tagal.
Takbo ng orasan ay bumagal.

Salamat sa itim na salamangka.
Siya'y tuluyan na akin ng mang sasaka.
Halika ka binibining Maka
Ngayon gabi sa lilim ng buwan mag kita.

Mag kita kayo sa gitna ng palayaan.
Huwag pansinin ang mga bulungan.
Lagpasan ang lahat ng paderan.
Lundagan ang mga kanal ng buwan. 

Kaya gamit ang itim na sa lamangka.
Ikaw ay nag pakasasa sarap ng isang langka.
Laging daan ang ito'y maykapalit.
Tanggapin at mag sisi ng paulit ulit.

Dalawang damdamin ay pinagtagpo.
Gamit ang itim na salitang Mano po.
Ang tadhana at pag kakataon ay nabilog.
Na linlang,binago ng itim na salamangkang lubog.

Pinapangarap ka lang niyang angkinin
Ngayon na tupad kamalayan na angkin.
Dating gawin Na isipan gawin.
Nag timpla ng isang tasang inumin. 

Usapan nila ay bumuhos.
Kahit walang patid na agos.
Aking kaibigan hanggang kailan.
Tandaan ang pag sisisi na sa kaduluhan.

Medusa

Ni: Motonari Mouri


Sa templo ng gubat ikaw ang natatanaw. 
Kagandahan mo'y nag liliwanag parang ilaw. 
Ikaw daw ay isang diwata sa ilalim ng araw. 
Na unti unti ginagawang bato ang biktima at tinutunaw. 

Mga tribo takot sayo kaya ikaw ay tinatanaw.
Para ka daw pasikat na araw. 
Ang kalahating tao at ahas mo'y gandang umiilaw. 
Kaya sa pag ibig kalalakihan ay na uuhaw. 

Mundo man ng imperyno ay magunaw. 
At si lucifer man ay lumitaw. 
Parang sobrang maginaw. 
Kapag nakita ka lang kami iyong hinahataw. 

Ikaw ang Medusa na tinatanglaw. 
Sa aming mundo ikaw na ang araw. 
Hindi pa natatalo tulad ng palitaw. 
Dahil ikaw si Medusa tanging ikaw. 

Hindi matatakot sayo si Lucifer halimaw. 
Kahit isang libong kawal pa na bakulaw. 
Dahil si meduaa kasing lakas ang isang bulalakaw. 
Kaya kami ay natatakot araw araw.

Aura

Ni: Motonari Mouri


Sa kalangitan ikaw ay natatanaw. 
Habang ang katawan mo'y kumikinang parang ilaw. 
Para kang diyos sa ilalim ng araw. 
Unti unti kaming natutunaw. 

Lagi kang tinatanaw.
Na parang sikat ng araw. 
Ang itong ganda ay umiilaw. 
Sa pag ibig mo kamiy na uuhaw. 

Mundo man ay magunaw. 
At si froze man ay lumitaw. 
Kahit na sobrang maginaw. 
Pag ibig mo parin ang hahataw. 

Ikaw ang diyos na tumatanglaw. 
Sa aming mundo ikaw ang araw. 
Hindi lulubog tulad ng palitaw. 
Napatunayan mo na si Aura ay ikaw. 

Hindi matatakot sa halimaw. 
Kahit isang libong bakulaw. 
Dahil kasing lakas mo ang bulalakaw. 
Mahal ka namin araw araw.



Lucifer

Ni: Motonari Mouri


Bawat kaharian iisa lang ang hari. 
Ngunit may katanungan na di mawari. 
Bakit ba may haring hindi makuntento. 
Na siya na ang ma upo sa imperynong trono. 

Si Lucifer ang hari ng ilalim ng kalupaan. 
Sa kampon siya'y kinakatakutan. 
Sa lahat ng bagay siya ay masususnod. 
Mabangis din na demonyo sa kanya rin ay lumuluhod. 

Isang araw si lucifer ay lumapit. 
At ang sabi ang buhay niya Kay pait. 
Minimithing pangarap hindi niya makamit. 
Dahil pangarap niya makatikim ng ibang trono kahit saglit. 

Tronong inaasam hindi lang sa karagatan. 
Dahil hanggad niyarin makaakyat sa trono ng kalangitan. 
Ako'y nagulumihan sa kanyang dinaing. 
Ang sabi ko ambisyon mo di mo mararating. 

Trono hanggad si Jesus Christ ang may ari. 
Sa kanyang kampon siya lagi ang hari. 
Magagandang demonyo sa iyo hindi na luluhod. 
Dahil sila ay lalaban at hahantong man ulit sa puntod.

Itim na Aklat

Ni: Motonari Mouri


Ang maaliwalas na kalangitan ngayon na ngulimlim
Dating mga puting ulap unting unting naging itim. 
Itoy isang palatandaan na may bagyong parating. 
Kaya kayo na tutulog dapat nang magising. 

Isang itim na aklat ang may likha ng lahat
Dahil ito nag mula sa bruhang salat
Dapat ingatan kagamitan at buhay
Upang hindi siya mag tagumpay

Ang ihip ng hangin ay palakas ng palakas. 
Sa balsang sasakyan natin alon ay unaalpas. 
Mga tungkuling nakaatang dapat ng gampanan. 
Maka bagong mundong damdamin atin munang kalimutan. 

Dahil ito ang plano ng isang bruha masama. 
Gamit ang aklat na itim kaya lahat ay masama. 
Galit sa tao kaya siya nag hihiganti
Hiling niya makaapak sa bayan ng kanyang mithi. 

Ngunit hindi ito ma unawaan ng bayan
Kaya ang bruha nag patuloy parin sa salot ng bayan. 
Kaya ang galit mas lalong nanaig sa bayan
Kawawa naman ang buhay ng tao nasa karagatan. 

Dibdidb natin pag tibayin sa pakikipag laban. 
Dahil sa kahirapan idudulot ng bruhang kalikasan. 
Ang masawi ang makikipag laban dito sa karagatan. 
Parangalan daw natin duon sa dalampasigan. 

Ang bruha ay hindi dapat pagkatampuhan. 
Ang kanyang ginawa dapat pasalamatan. 
Kung tayo ay may paninindigan ngayon natin malalaman.
Ang tibay at tatag nito ito ang bagyo ang sukatan. 

Salamat sa bruha at sa itim na aklat
Ngayon alam namin na hindi ka bruhang salat
Tanging hiling mo lang makayapak sa bayan pangarap. 
At ito ay na tupad siya na ang taga pangaral ng pangarap

Kasabihan

Ni: Motonari Mouri


Sabi nila ang umpisa ang pinaka masaya. 
Ramdam hanggang daliri hanggang mag paraya. 
Ang dibdib mo tila isang bombang sasabog. 
Hindi alam na ikay manok na ilalaban sa sabong. 

Sabi nila pag kaingatan mo ang iyong puso. 
Kahit pagiging pabaya ay nagiging uso. 
Hihina ang iyong katawan sa pag kabigo. 
Huwag aasa ng hindi kayo mag kalayo. 

Sabi nila ang kalaban ay ang pag ibig ay selos. 
Yung tipong umaapaw at di kana makakilos
Pag ito ay nang yari ipikit ang itong mga mata. 
Ipaalala natin sa is at isa ang at in panata. 

Sabi nila malalagpasan ng pag ibig ang lahat. 
Pero tayo ay sumuko at ito ay bumigat. 
Sana pala'y hindi tayo na kinig sa sabi ng iba. 
Ngyon hindi ko alam kung mahal parin kita.

Umamin na kayo

Ni: Motonari Mouri


Isang gropo o barkadahan. 
Hindi naman talaga ma iiwasan. 
Ng dalawang taong mag kagustuhan. 
Kung nag simula sa titigan. 

Ang paki usap lang ay samahan. 
Kanilang kasalanan at pangatawanan. 
Ang kanilang wagas ba pag - iibigan. 
Kahit ito ay tayo sa bayan. 

Hindi naman sila hahadlangan.
Bagkus sila pa ay susuportahan. 
Wag na sila'y mag taguan. 
Baka sila ay patawanan. 

Paano naman ma uunawaan. 
Kung tago ang kanilang pag mamahalan. 
Balang araw ito rin ay lalabas sa bayan. 
Kung tuloy parin ikukubli ang pag mamahalan. 

Dahil inisip niyo na ito'y kasalanan. 
Ang pag sisinungaling sa bayan. 
Dahil ang mga nguso niyo mamantikan. 
Naging kayo at sa Kama nag karerahan.