Hustisya yan ang sigaw ng pamilyang namatayan
Hustisya ang bulong bulongan ng buong bayan
Hustisya ang hiyaw ng kaluluwa ni chairman
Na pinatay sa hindi malaman ang dahilan.
Si chairman parce ay maraming natulungan.
Marami narin siyang binagong buhay sa bayan.
Siya na ata ang ama na pwede mong sandalan
Sa oras ng kagipitan.
Para sa amin siya ang super hero ng lipunan.
Dahil sa mga pagsubok na kanyang naranasan.
Ibat ibang tao narin ang kanyang nakasa lamuha.
Dahil taglay niya ang pusong bilog ng suha.
Nag luluksa ang pamilya ni chairman sa harap ng madla.
Na ngangalit sa ibabaw ng apoy ng kandila.
Tinitiis ang hirap na kanilang pasan pasan
kasabay nito ang pag laganap ng luhang, halimuyak ng sampaguita sa kalupaan
Ngunit mga hangal na tao ay na diyan
Handa kang sirain ang sa iyong kinabukasan
Di mawariy kung sila ba ay may katangahan
O sadyang may kinaiinisan.
Hustisya para sa chairman ng aming bayan.
Na binaril, at kumaway si kamatayan
Nag iisang tao lang ang sa kanyang siyang tinulungan
Ang isa na man duwag at nag tago sa kanyang lugaan
Ang exco kung tawaging ng aming bayan
Nakatira daw sa break, at siya pinag kantiyawan.
Na kasabwat sa pag patay sa mabutihing chairman.
Pero ayun may hawak na siyang baril, asan.
Anduon pinannood at walang ginawang hangang sa malagutan.
Nang puntahan sa kanilang tahanan.
Nag tago at nag pakalayo sa kapamahakan.
Ngunit kung may kalaban
Meron din taga pagligtas si chairman.
Alyas pepe salado't mabuting kaibigan.
Na laging na sa baranggay at maasahan.
Sabi ng asawa ni parce ang karma ay na diyan
Kaya lilitaw na lang si kamatayan.
Upang pag bayaran ang inyong mga kasalanan
Na pinatay niyo na di mawari ang dahilan.
Kaya ang bulungan ng buong bayan.
Ay hustisya kay chairman.
Hustisya kay chairman.
Hustisya kay chairman.