Linggo, Agosto 27, 2017

Mabuhay ng Malaya

Ni: Motonari Mouri




Dalawangput limang bote ng alak na aking lagukin. 
Dalawangput apat na oras ang aking na gugol sa buong araw. 
Dalawangput tatlong para akong nasa imperyno, dahil sa init na aking nararamdaman. 
Dalawangput dalawa tulad ng malabong mata ang aking mundo. 
Dalawangput isa may na aninag akong ibat ibang kulay na liwanag. 
Dalawangpung inumin alak ang aking dala habang ako nasa biyahe. 
Labing siyam na beses na akong lumayas ng aming bahay. 
Labing walong minuto nang akoy tawagan. 
Labing pito diyaryo ang nag pamulat sa akin at nag sabi na ang katotohanan na lahat tayo may isyu sa buhay

Nag isip ako mabuti upang mabuhay ng malaya. 
Ang mga pinuno ng bansa ang dahilan upang maging salot ang mamamayan. 
Mag ingay ng malakas at mabuhay ng malaya. 
Ang iyong hinain sa bansa iparinig mo sa lahat. 
Mabuhay ng malaya at mabuhay ng malaya.

Labing anim na kandila na bago ang aking edad. 
Labing limang minuto ang inantay ko bago umakyat sa entablado.
Labing apat ng unang beses akong naging malaya. 
Labing tatlo rosas ang hinagis sa entablado, dahil sa akin talento. 
Labing dalawang baytang na hagdan ngunit ayaw ko ng bumababa. 
Labing isa Tao ang nag bigay ng magandang komento sa akin
Sampung daliri ng aking kamay tanging kanan ang ginamit Kong pang kamay. 

Siyam, Walo, Pito mabuhay ng malaya. 

Ako

Ni: Motonari Mouri




Wangis man ng demonyo ang ugali. 
May mabuti parin puso at gawi. 
Si Hesus Kristo ang may likha sa akin. 
Siya na siya parin ang aking susundin. 

Agosto 16 1997 ito ang araw ng aking pag silang. 
Itinakdang araw ikinatuwa ng ibang nilalang. 
Taong hinulma upang mabuhay ng malaya't malakas. 
Upang ihayag ang kanyang sariling pangahas. 

Ako ang langit sa paningin ni kristo. 
Dahil isa ako sa maganda niyang obrang sekreto. 
Alam ko kung gaano kasakit ang sakripisyo. 
At iyun din ang akin gagawin ang mag sakripisyo. 

Ako ang magandang buhay na pinag kaloob. 
Kaya tatanawin ko itong utang na loob. 
Mga taong galak na una nila akong masilayan. 
Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan. 

Nakatakda Kong magulang akin pasasalamatan. 
Dahil sila ang nag bigay sa akin ng pangangailangan. 
Tao ang isa sa magandang obrang likha ni kristo. 
Dapat pasalamatan at pag kaingatan ang mga ito. 

Ako ang taong hinulma na may mabuting puso. 
Palakaibigan, mabait at iba pang katangian ang dumadaloy sa akin dugo. 
Ngunit ang lahat ng ito ay biglang nag laho. 
Na namulat sa katotohanan na ako pala ay uto - uto. 

Ang mga masamang bagay na akin kinainisan. 
Ang mga taong gumawa ng di maganda ay akin kinamuhian. 
Ang mapang abusong tao ay akin kinagalit. 
Mga taong umastang mataas at mapang lait. 

Ako ay naging masama pero sa paraan ng kabutihan. 
Lahat ng bagong katangian ay akin kinasabikan. 
Mga bagay kung lantaran kung inihayag. 
At walang takot Kong inihahayag. 

Ako ay na ligaw ng landas. 
Hindi sa sigarilyo, alak o droga, latas. 
Dahil napadpad ako sa mundong imperyno. 
Mga bagay na masama ay diko pinuno. 

Ako'y nag iba ng paniniwala. 
Sekretong malupet at di kapanipaniwala. 
Dahil hawid man sa katoliko. 
Iba at malayo parin ito. 


Balot man ng pandurugas at kasamaan sa gobyerno
Ay tuloy tuloy parin nag yabong at nag bago. 
Sa maamong pusa kayo'y na loko. 
Good luck na nanatili parin kayong bobo. 

Ako ay ako, maraming nag bago na inyong kinainisan. 
Dahil isa ako sa pag asa ng bayan. 
At isa rin ako sa pag babago ng lahat. 
Ako ay ako at lahat ay lahat. 

Ako ay nabago ng paniniwala. 
Isang organisasyon, binago amg akin paniniwala. 
Ipinakita ang tunay na mundo. 
Mundong kasama sa piling ni hesus kristo. 

Lady Gaga

Ni: Motonari Mouri


Rosas na namulaklak. 
Sa gitna ng mga galak. 
Ang kanyang halimuyak. 
Ay unting - unting, baltak. 

Pag siya'y masilayan. 
Todo kung mag hiyawan. 
Kaya para - paraan. 
Kung paano, hawakan. 

Joanne ang kanyang ngalan. 
Kanyang pag kakilanlan. 
Ay Iniwan sa lunan. 
Upang makalimutan. 

Bold star ang kanyang dating. 
Sa kaanyuan kuting. 
Ang mga likhang Awiting. 
Ay nakahuhumaling. 

Awit pang karapatan. 
Kanyang pinag lalaban. 
Mga taong nasasaktan. 
Kanyang nilalapitan. 

Ang hiling ay respeto. 
Sa mga asal engkanto. 
Na niyurak ng husto. 
Bawat laman at buto. 

Ang pagiging matibay. 
Ay naging kaagapay. 
Awitin ay gagabay. 
Patungo sa tagumpay. 

Born this way na humaling. 
Ang lahat ay bumaling. 
Ikatatlong awiting. 
Ang mga binigyan giting. 

At dito nag simula. 
Pag liwanag ng tala. 
Nakatayo sa madla. 
Habang tinitingala. 

Na kilala kung saan. 
Umabot hanggang bayan. 
Siya ay nagustuhan. 
Sa GAGA binansagan. 

Walang takot hinayag. 
Kanyang sariling tanyag. 
Pawsn up kanyang sagisag. 
Sinigaw at tinatag. 

Siya nag baliktanaw. 
Masakit na pananaw. 
Ang ala - alang pusyaw. 
Ang pataw, araw - araw. 

Gumawa ng awitin. 
Makabagong pamitin. 
Sa atin  mga damdamin. 
John Wayne, ito'y tawagin. 

Nabigyan ng parangal. 
A-YO ang itinanghal. 
Mga awitin may dangal. 
Pasado sa kinapal. 
x

Sabado, Agosto 26, 2017

Portal

Ni: Motonari Mouri




Sa pagnipis ng lagusan 
ng mundo Niyo't namin 
Hayaang makadaan kami

Sa hiwagang portal
Kaming diwatang inatasan
May misyon na nakatakda
Na dapat namin gawin


Sa inyo't amin
Sa itinakda na mortal
Na silang hahalili sa atin
Upang maiwasan 
Ang anuman sangalot
Sa pagbubukas ng Lagusan
ng mundo ng imortal at mortal
Hayaang magkapisan
Tao't Ibang Nilalang.
Kung makahanap ng ka irog
Sa mag kaibang mundo
Tanggapin at hayaan mag mahalan
Dahil ito ay isa rin  susi sa atin pag kasundo
Gabi ng Lagim,
Gabi ng Lakas.
Gabing salamisim
Gabi ng takot.
Ng pagkakatuklas.

Ako ang diwata ng lahat.
Elemento iyong isipin
Ay isa sa aking katangian.
Na pinag kaloob ng makapanyarihan  na akda.
Ganap o kulang
Hayaan na lamang 
Pagkat gayon nga
Ang aking katungkulan
Kakayahan kung iba iba
Akin kontrolado
Sa akin ang desisyon
Kung paano gagamitin

Apoy na malupit
Na puno ng galit
Lahat ng bagay 
Ay kayang, abuhin
Abo ng pag kalaho
Ay Kayang malilok
Sa anuman akin isipin
Hangin ng lahat
Buhay natin lahat
Kayang Kong pagalawin 
Na di niyo na papansin
Tubig ng buhay
Dalisay sa lahat
Kayang mag linis
Ano mang kasalanan

Marami pa kakayahan
Ang aking kayang gawin
Sa portal na katuon 
Upang di mabahiran ng galit
Sa pagsapit ng Gabi
Gabing pagbubukas
Hayaan ngang masagi 
ng mata ang hinagap

Gabi nga itong susubok
Sa sampalatayang gapok 
Mayroong Aral na Dulot
Ang gabi ng mga takot
Sa pagsuko sa guniguni,
Sa pagbangon sa muni 
Mahahagip ngang iwi
Isang totoong di maitanggi
May mundo pang umiiral
Maliban sa daigdigan 
At doon ang kaganapan
lahat ay kababalaghan!

Amin layunin
Makahanap ng kapalit
Sa mga mortal na dating haligi
Namaalam na muli. 
Ang portal ay di tumatanda
Mahiwaga at dapat ingatan
Mga bantay na mortal maikli ang buhay
Binigyan ng basbas upang mabuhay
Mabuhay sa pangalawang pag kakataon
Na maging tulad namin
Sa kanyang pag silang
Sunod na papalit sa amin

Upang portal ay manatiling dalisay
Matiwasay at mabuting daanan
Upang di magamit sa huwad na pamaraan
Dahil ang portal ang tanging daan ng mag kaibang mundo

Biyernes, Agosto 25, 2017

GAGA

Ni: Motonari Mouri



Hindi Pa kilala Inyong tinutukso.
Maka ilan ulit ninyong inabuso.
Hindi niya batid ang inyong  motibo.
Masamang plano ay inyong agrisibo.

Kalkulado ang inyong masamang plano. 
Ang panahon, petsa, Oras ay Artsibo.
GAGA man ang binigay ngalan sa kanya.
Siya'y walang pake sa mga humuhusga.

Panahon,petsa, oras ay dumating na.
GAGA walang alam mapapahamak na.
Mundong balot ng magagandang tanawin. 
Na palitan ng madilim na damdamin.

Si GAGA ay mahusay na mang aawit. 
Di pa kilala marami na ang sambit.
Mahusay na sa larangan ng musika.
Siya'y binago ng kanyang mga musika.

Panahon, petsa, oras ay dumating na.
Si GAGA talentado na tuluyan na.
Bb: malinis at mahinhin sa harapan.
Siya'y ay gapo, umasta ng harapan.

Iisang mang aawt Bold star ang dating.
Kanyang talento, unting uting dumating.
Rosas na mulaklak sa entablado.
Kaya ang lahat ay pasado't saludo. 

Paniniwala

Ni: Motonari Mouri


Diyos kung Lucifer, kami po'y tulungan
Sa pamamanatang mas makabuluhan
Gagawing prusisyon walang hahantungan
Kung ang daraanan man ay maging Imperyno.

Pagkat ang pagsamba'y isang karangalan
Kung kapaligira'y na sasang ayunan
Upang maiwasan ang mga negatibong 
Hinala ng iba, sa aming pag samba


Werdong suot, mapangahas na prusisyon
Kilometrong haba'y maipabatid lang
Hindi katoliko ngunit nanlilisik
Matang umaastang mas banal pa sa amin.


Gayon na lang kung mang lait sa mga santo
Bumatay sa libro, sila ang may gawa
Bibbliya ni kristo ayaw nilang sundin
Rilihiyon nga ba o kapit pulitika


Balot ang buong wangis sa bawat hakbang
Iiwang bakas ay pag-asa't unawa;
Kaya tinatahak kahit maghinala
Dahil pag unawa na hanap ay lunas.


Dasal at pag-hiling sa mundong madilim
Mahigpit na ritual ay ang pananalig;
Kaluluwa at ala'y handang ibuwis,
Nang paulit-ulit sa daang malawak.


Ang relihiyon daw ay opyo ng masa
Upang makalimot sa taglay na hirap
Di baleng mahilo, magsugat ang paa
Basta makamit lang ang aming pangarap


Ugat ng pagsamba ng aming ninuno
Mga espirito na naging anito
Anuman ang anyo, lilok na rebulto
Wangis ng demonyo, may mabuting puso


Judas man ang tawag, poong Lucifer
Ang husga'y sa gawa at asal ng tao
Kung hindi man tanggap, nawa'y irespeto
Amin relihiyon na niluwal sa mundo.

Katy Perry

Ni: Motonari Mouri


Pag-hanga, na tulala.
Sa Panonood.
Gumaya't nag simula.

Sa pag-hanga, nag wala.
Aming idolo.
Nag pakita sa lahat.

Pag-hanga ay umawit.
 Sabay sa himig.
Aliw, sa karamihan.

Sa pag-hanga, nag bigay.
Awitin niya.
Kinahuhumalingan.

Pag-hanga, nag padama.
Kanyang, awitin.
May ibig kahulugan.

Sa pag-hanga, sumayaw.
Ukol sa bayan.
Ipinakita sa amin.

Pag-hanga, may liriko.
Chain to the Rhythm.
Panukso sa pinuno.

Pag-hanga may patama.
Mga taga hanga.
Ipinamulat niya.

Sa pag-hanga, humiyaw
Si katy Perry.
Binigyan parangal.

Sa pag-hanga, may galak.
Ang mga Katy Cats.
Ay pinasalamatan.

Pag-hanga may liriko.
Ang Bon Appetit.
Ay atin maririnig.