Portal
Ni: Motonari Mouri
Sa pagnipis ng lagusan
ng mundo Niyo't namin
Hayaang makadaan kami
Sa hiwagang portal
Kaming diwatang inatasan
May misyon na nakatakda
Na dapat namin gawin
ng mundo Niyo't namin
Hayaang makadaan kami
Sa hiwagang portal
Kaming diwatang inatasan
May misyon na nakatakda
Na dapat namin gawin
Sa inyo't amin
Sa itinakda na mortal
Na silang hahalili sa atin
Upang maiwasan
Ang anuman sangalot
Sa pagbubukas ng Lagusan
ng mundo ng imortal at mortal
Hayaang magkapisan
Tao't Ibang Nilalang.
Kung makahanap ng ka irog
Sa mag kaibang mundo
Tanggapin at hayaan mag mahalan
Dahil ito ay isa rin susi sa atin pag kasundo
Gabi ng Lagim,
Gabi ng Lakas.
Gabing salamisim
Gabi ng takot.
Gabi ng takot.
Ng pagkakatuklas.
Ako ang diwata ng lahat.
Elemento iyong isipin
Ay isa sa aking katangian.
Na pinag kaloob ng makapanyarihan na akda.
Ganap o kulang
Hayaan na lamang
Pagkat gayon nga
Ang aking katungkulan
Kakayahan kung iba iba
Akin kontrolado
Sa akin ang desisyon
Kung paano gagamitin
Apoy na malupit
Na puno ng galit
Lahat ng bagay
Ay kayang, abuhin
Abo ng pag kalaho
Ay Kayang malilok
Sa anuman akin isipin
Hangin ng lahat
Buhay natin lahat
Kayang Kong pagalawin
Na di niyo na papansin
Tubig ng buhay
Dalisay sa lahat
Kayang mag linis
Ano mang kasalanan
Marami pa kakayahan
Ang aking kayang gawin
Sa portal na katuon
Upang di mabahiran ng galit
Sa pagsapit ng Gabi
Gabing pagbubukas
Hayaan ngang masagi
ng mata ang hinagap
Gabi nga itong susubok
Sa sampalatayang gapok
Mayroong Aral na Dulot
Ang gabi ng mga takot
Sa pagsuko sa guniguni,
Sa pagbangon sa muni
Mahahagip ngang iwi
Isang totoong di maitanggi
May mundo pang umiiral
Maliban sa daigdigan
At doon ang kaganapan
lahat ay kababalaghan!
Amin layunin
Makahanap ng kapalit
Sa mga mortal na dating haligi
Namaalam na muli.
Ang portal ay di tumatanda
Mahiwaga at dapat ingatan
Mga bantay na mortal maikli ang buhay
Binigyan ng basbas upang mabuhay
Mabuhay sa pangalawang pag kakataon
Na maging tulad namin
Sa kanyang pag silang
Sunod na papalit sa amin
Upang portal ay manatiling dalisay
Matiwasay at mabuting daanan
Upang di magamit sa huwad na pamaraan
Dahil ang portal ang tanging daan ng mag kaibang mundo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento