Paniniwala
Ni: Motonari Mouri
Diyos kung Lucifer, kami po'y tulungan
Sa pamamanatang mas makabuluhan
Gagawing prusisyon walang hahantungan
Kung ang daraanan man ay maging Imperyno.
Gagawing prusisyon walang hahantungan
Kung ang daraanan man ay maging Imperyno.
Pagkat ang pagsamba'y isang karangalan
Kung kapaligira'y na sasang ayunan
Upang maiwasan ang mga negatibong
Hinala ng iba, sa aming pag samba
Werdong suot, mapangahas na prusisyon
Kilometrong haba'y maipabatid lang
Hindi katoliko ngunit nanlilisik
Matang umaastang mas banal pa sa amin.
Gayon na lang kung mang lait sa mga santo
Bumatay sa libro, sila ang may gawa
Bibbliya ni kristo ayaw nilang sundin
Rilihiyon nga ba o kapit pulitika
Balot ang buong wangis sa bawat hakbang
Iiwang bakas ay pag-asa't unawa;
Kaya tinatahak kahit maghinala
Dahil pag unawa na hanap ay lunas.
Dasal at pag-hiling sa mundong madilim
Mahigpit na ritual ay ang pananalig;
Kaluluwa at ala'y handang ibuwis,
Nang paulit-ulit sa daang malawak.
Ang relihiyon daw ay opyo ng masa
Upang makalimot sa taglay na hirap
Di baleng mahilo, magsugat ang paa
Basta makamit lang ang aming pangarap
Ugat ng pagsamba ng aming ninuno
Mga espirito na naging anito
Anuman ang anyo, lilok na rebulto
Wangis ng demonyo, may mabuting puso
Judas man ang tawag, poong Lucifer
Ang husga'y sa gawa at asal ng tao
Kung hindi man tanggap, nawa'y irespeto
Amin relihiyon na niluwal sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento