Martes, Setyembre 19, 2017

13

Ni: Motonari Mouri


Numero daw ng kamalasan. 
Kaya ito kinakatakutan. 
Dahil sa hatid ay kapahamakan. 
Sa taong bayan. 

Sa araw man ng pag-iibigan. 
Ito'y nilalaktawan. 
Para maiwasan ang kabiguan. 
Nang dalawang taong nag mamahalan. 

Sa araw ng kapanganakan. 
Numerong 13 ang inaayawan. 
Dahil sa talaarawan.
Baka maging kantiyawan ng mga kaibigan.

Sa gusali ito ay nilalaktawan.
Upang malas ay maiwasan.
Upang hindi ito pag pugaran.
Nang iba't ibang elementong kababalaghan. 

Sa simbahan ito daw ay ka trayduran. 
Dahil ito ang araw ng si kristo ay pinag taksilan. 
Kaya na ukit sa bawat isipan. 
Ang kasaysayan ng nakaraan. 

Ang 13 ay Hindi naman kapahamakan. 
Nasa tao kung paniniwalaan. 
Ang tinagurian pambansang kamalasan. 
Na nag pasalin dila na sa lipunan. 

Sa iba'y hindi ito pinaniniwalaan. 
Na ito'y malas at salot sa ating kamalayan. 
Kaso tradisyon na ito ng bawat mamamayan. 
At sa ibang tao ay walang pakialamanan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento