Mag Ingat sa Killer Police
Ni: Motonari Mouri
Mapagmasid ka
Sa daang tinatahak,
Tingnan ang lubak.
‘Pagkat marami
Itong nagkukunwari,
Tila mabuti.
Ngunit ang tunay
Ay masama ang kulay,
Linta at anay.
Papatayin ka,
Sasabihan nanlaban,
Ka, buong tapang!
Kaya’t mag-ingat,
Dapat ay laging tignan,
Huwag lumingat!
Ang piliin mo.
Ay yaong may respeto
Sa mga tao.
At may paggalang,
Sa lahat ng nilalang,
At sa Maykapal!
Iwas sa police
Nang Hindi ka biktima
Ng killer police
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento