Aking iniibig na si Jessa Pestillos
Ni: Motonari Mouri
Kung ang pag-uusapan ay mga kulayan,
Malapit sa pula ang paglalarawan,
Bagamat binibini ang pag kakinang.
Ako'y nahumaling sa taglay na kagandahan.
Ang rosas na kulay ay lamyos ng lambing
Na sa wari’y putla ng dugong mahinhin.
Ang tela ng blusa na anyong bibilhin,
Ang kulay na ito’y siyang pipiliin.
Paniniwala ko'y tinanggap ng buo.
At Gayun din, aking buong pagkatao,
Sa Buwan ng wika ko siya sinusuyo
At wala siyang pinili ng ibang puso,
Kung bulaklak naman ang pag-uusapan.
Ang rosas ay lutang itong kahinhinan,
Ngunit mag-iingat may tinik din naman,
Sa mga panganib ay kanyang panlalaban.
Binigyan ko si jessa ng mga bulaklak.
Na tulad ng rosas kasama ang liyag,
Ang sagot na oo ay aking matitiyak,
Na makukuha ko’t mapapasapalad.
Mapasabulaklak o mapakulay man,
Itinatangi ng maraming nilalang.
Pag ibig nang Bisexual at Binibini.
Pinaglaban, pag ibig kahit masugat.
Walang nakasira sa pag mamahalan.
Dalawang taong tunay nag iibigan.
Kahit na ihanay ang ibang kulayan.
Ang rosas ang gandang katangian.
Ngunit dumating ang araw ng pangamba.
Ang pag ibig namin ay natuldukan na.
Nag hiwalay hindi alam ang dahilan.
Sana pwedeng ibalik ang nakaraan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento