Martes, Setyembre 12, 2017

Pag tingin ko kay Crush

Ni: Motonari Mouri




Bakit ikaw pa
Nakakasawa rin pala.
Ang umasa sa wala.
Sa crush na balewala,

Sa unang tingin, ako di mapakali
At sa unang ngiti mo, ako'y mananatili
Nahihiya akong kausapin 
Dahil sa namuong kung kunting pagtingin

Nag humiyaw sa galak umabot hanggang batanes. 
Dahil Ikaw at ako ay parehong opisyales. 
Sa tuwing ika'y aking titigan.
Pag nahuli mo, iba naman ang kinababalingan. 

Mag kaiba ang ating kolehiyo.
CHM ka CED ako at parang gantilyo.
Ang pagtingin ko sa iyo.
Isang pitik mo lang na hulog ang loob ko sa iyo.

Para na tuloy akong nag nanasa, 
Na makita ka na babasa. 
Ang simple mong dating. 
At sa tahimik mo astig na galing. 

Ako'y nagulat, mula. 
Sa mensahe na iyong pinadala. 
Sa simpleng sulat mo. 
Ako ay napaligaya mo. 

At dito nag simula ang lahat.
pag uusap na may pabalat.
May kulay, galak at tulungan,
Pag uusap ay tila isang sabungan.

Ngunit sa pag lipas ng mga araw.
Ay nahulog na tuluyan ang aking araw.
Di napakali habang dika makausap.
Di makatulog pag di ka makasulyap.

Sa aking panaginip sa isang hagupit ng alon.
Ako ay pilit na umahahon na di maka ahon.
Nakakapagod din pala.
Ang magmahal na binabalewala.

Bakit pa kasi nagpapakatanga. 
Sa taong hindi ka naman binibigyan ng halaga.
Hinahangaan lang naman kita. 
Sana nama’y mapansin mo ako at makita. 

Kailangan ko pa bang masaktan ng lubusan. 
Hanggang sa wala nang maramdaman. 
Sabi ni Vice pres. sa atin may forever tayo. 
Pero biro lang ito para sayo.

Ang sakit ng mga dinadanas ko ngayon. 
Ay tila wala nang lunas sa ngayon. 
Ikaw ay masaya, habang ako’y nagdudusa.
Hindi mo ba ako bibigyan ng pag-asa.

Bakit ko ba kinalimutan 
Na isa lang pala akong kaibigan. 
Nag assume nanaman ako. 
Na umaasa na magiging ikaw at ako. 

Hanggang kailan ako aasa? 
Hanggang kailan ako magnanasa?
Hanggang kailan ako maghihintay? 
Hanggang sa ako maging matamlay.

Hanggang kailan ako maghihintay .
gayong wala namang pag-asa't gabay.
Sa lalaking aking hinangaan.
Na pinag babawal sa Mata ng buong bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento