Biyernes, Setyembre 8, 2017

Late na naman si Monet

Ni: Motonari Mouri




Late nanaman si monet.
Lagot siya Kay gng conti.
Patapos na ang 1st sem.
Baka hindi siya payagan mag exam.
Naka INC panaman yun Kay gng Viril.
Baka nag cutting class.
Tonta..  Masipag yun mag aral.
Ikaw ba naman working student.
Mag kada kuba kuba sa pag aaral at sa trabaho.
Future teacher ng bayan.
Taga pagturo ng bayan.
Palaging kiwa ang taong yun.
May nag text na ba sa kanya.
Baka hindi niya alam dito.
Dito tayo mag ka klase sa de aircon na room.
Baka late lang.
Baka na trapik.
Baka naman na ospital.
Baka walang baon.
Madalas panaman mag tipid yun.
Diba pang onse siya sa mag kakapatid.
Sa dami nila baka wala siyang pamasahe.
Anak panaman yun ng kargador.
Ni pang trysikle wala.
Nabalitaan niyo na ba
Na late daw siya ng bayad.
Huh siya na late ng bayad
Kinapos daw sa pinansiyal.
Teka ang alam ko na ka habol siya
Ahh baka late din ng bayad.
Hindi ata pinayagan.
Na mag bayad sa registrar.
Baka sipain siya sa earist.
Kawawa naman
Tara tulungan natin siya.
Hoy ikaw!  Kaibigan mo siya.
Tulungan mo kaya siya.
Nang di siya mahirapan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento