Linggo, Setyembre 17, 2017

Encantadia

Ni: Motonari Mouri


Sa aming lugar, mundo ng kababalaghan
Mga diwata, sapirian at iba’t ibang katawagan
Sa encantadia tirahan ng lahat na may kapangyarihan
Nakakapanindig balahibo’t ang iba'y kinatatakutan

Sila’y may mga kwentong, ating pakinggan.
Kanilang palasyo daw ay sa puno ng kagitingan
May ibat ibang diwani, reyna’t hari
Sila’y may kapangyarihang, sila ang naghahari.

Atin nga nating kilalanin, silang lahat isa-isa 
Sapiro, Lireo, Adamya, Hatorya, Etherya at Asa
Sa kanilang mga mukhang, talagang pambihira
Maging sa kanilang wangis ay hindi na sisira

Bakit nga ba natatakot, bata man o matanda.
Lalo na pag nakikita si imaw tanda
Ehh mabait naman si lolo imaw
Yun nga lang siya ay unano at mukhang halimaw

Una sa lahat, ang mga Diwata na tinatawag
Sila daw ay mababait, malagain, ang mga dilag
Puso mo'y titibok kapag sila ay lumatag 
Mga hiling mo'y naisin kanilang hinilalaglag.

Hindi pahuhuli mga Hator ma kalaban
Gusto’y hatinggabi rin, kung sila’y makikipag laban
Hinahati ang kawal upang plano'y di bumabagal
Puso’t tao din ang paborito, kunin kahit pa nga bawal.

Ito namang makukulit, maliliit na Adamyan
Sila nama’y yaong mga halimaw na mabuti sa bayan
Sa gabi sila ay parang mga batang umiiyak
Tingnan mo’t wala naman, matatakot kang tiyak.

Kapag may nakita kang usok, sa puno ng kawayan
Sila naman yaong seryso, makilatis sa lipunan
Doon nama’y nakatambay, ang mga Sapirian
Panay hithit ng patibong, akala mo’y makikipaglaban.

Sa tabi niya’y may humahalinghing na kabayo
Pero tingnan mong maglakad, akala mo’y tayo
Siya naman ang Aasli, na akala mo’y sino
Lahi nila Matipuno, Seksi ang katawan ng kahit sino


Sa daigdig nila’y iisa ang kanilang pinag-aagawan
Isang babaeng napakaganda’t pinapapantasyahan
Siya naman ang Etherian na kinakatakutan.
Mapang linlang sa anumang araw, oras buwan

Sa isang madilim sa tabi’y may nanlilisik na mata nila
Matutulis ang sandatang gamit at sa alak hayok sila
Sila yaong matatapang, tinatawag na Ascano
Sa alak at pera at sandata matagal mo sila makokonbinsido

Kanilang mga karakter, ay alam natin mula pagkabata
Mga kwento nila noon pa’y kinahuhalingan noon tayo'y bata
Mga kathang isip na maituturing, kasaysayan
Sila’y kasama natin nasa ibang mundo, bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento