Biyernes, Setyembre 8, 2017

Verdugo

Ni: Motonari Mouri


Bayan sa Mindanao Una niyang pinamunuan.
Ginamitan ng dahas kaya siya'y kinatakutan.
Mayor na ang nais malinis ang kanyang nasasakupan. 
Walang pakialam kung may madamay na sibilyan.

Hinangad niyang pag harian ang buong bayan.
Kaya humarap sa mga mahihirap na mamamayan.
Na ngakong lilinisin ang drogang salot sa lipunan.
Binoto ng karamihan upang siya'y masubukan.

Rodrigo Roa Duterte ang bago nating presidente.
Kaya mga drug lord wag na daw makampante.
Sa loob daw na anim na buwan kayo'y masasakote.
Kung Hindi susuko kayo papatayin ng pulis na bayolente.

1,2,3,4,5,6 na buwan ang lumipas.
Utos niya ang itinuring na batas.
Dahil sa utos maraming namatay at nalagas. 
Ganitong paraan ba lilinisin ang bansang pilipinas. 

Dumating na ang ating araw na pinakahihintay. 
Anim na buwan na pangako niyaba'y nag tagumpay.
Ganitong paraan ba natin makakamit ang tagumpay.
Ang maraming Tao idadamay at mapapatay.

Anong hakbang ang gagawin mo sa mga napatay.
Pag mamasdan mo na lang ba silang nakahimlay. 
Kung wala ka sa kanilang gagawin sa aksiyon.
Ano pa ang silbi ng iyong administrasiyon.

Sinabi mong droga ang matindi mong pakay.
Bakit pati simbahan iyo naring dinamay.
At si sto papa kung murahin ay ganon ganon lang.
Bakit meron ba siya saying pag kakautang.

Presidente ng amerika ay iyung kinukutya.
Pinutol ang kaugnayan paradaw tayo'y makalaya.
Kinalaban ang ibang bansa upang tayo'y makawala.
Pero sa bansang china naman tayo mag papaalila.

Tunay na Verdugo ang iyong ngalan.
Di nag kamali ng bansag sa iyo ang buong sambayan.
Mga alagad mo, na iyong pinakikingan ano man ang kanilang sambitin.
Tang Ina mo, Pwede bang sila naman ang iyong patayin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento