Martes, Setyembre 19, 2017

Pangarap ko

Ni: Motonari Mouri


Pangarap kong maging kilalang mang aawit. 
Kasabay ang reyna amihan at ang langit. 
Iuukit sa ulap ang aking ambisyon. 
Sa America magtutungo para sa misyon. 

Ipagmamalaki ko sa aking awitin. 
Na hindi Bobo ang bansa natin. 
Na inaakalang tanga at mangmang.
Mga pilipinong mapangkaraniwan.

Ipag mamalaki ko ang aking bayan. 
Gamit ang awitin Ko para sa bayan. 
Doon iaawit ko ang magagandang likha. 
Mga sinulat at ginuhit kong obrang katha. 

Bukod sa pamilya bukod sa edukasyon 
Bukod sa paniniwala bukod din sa relasyon.
Dahil dito makaka buo ka ng awit
Na pwede mong awitin kahit na mapait

Iba ang pakiramdam pag sa entablado. 
Parang ikaw ang hari at ang bida dito. 
Sa harap ng mga taong nag hihiyawan. 
Kapag tinig at awit ko ay nagustuhan. 

Kapag ako ay tuluyan ngna kilala 
Ipinapangako sa bawat isa sa kanila
Mamahalin, hahangaan at iiduluhin
Nang mga kapwa tao natin

Sa mga kilala at sikat na bansa 
Asahan niyo na ang bansa
Na aking sinilangan. 
Ay makikisabay at inyo rin kagigiliwan. 

Ayoko muna mag salita ng tapos. 
Baka mga salita ko ay tumagos. 
Sa pader ng mga pangako. 
Tuluyang na pako. 

Dapat ko itong gawin. 
Upang hindi tayo laitin
Mangangarap ka lang mandin
Lubos lubosin at tuparin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento