Biyernes, Setyembre 8, 2017

Gungong na Pangulo

Ni: Motonari Mouri

Itinanim sa isip ng bawat tao. 
Ang tinik na rosas na ipinangako.
Platapormang inihanda ng pangulo. 
Ay naka plantsado pati ang mga panyo.

At sa eleksyon lang nag tanim ng Rosas. 
Tunay na gunggong at Balat kayong Rosas.
Sa kayabangan siya'y, pakitang gilas. 
Sa bansang China tayo ay nag pa posas

Humiwalay na sa bansang America
Maingay na sa bawat sulok ng bansa. 
At Kabi - kabila ang ipinapatumba. 
Pati inosente ay kanyang sinita. 

Walang puso, ating Verdugong pangulo. 
Pagmamahal sa bansa kanyang binago. 
Tingin niya sa atin ay isang Lobo.
Na pwedeng matuldukan ang buhay mo't ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento