Sabado, Setyembre 16, 2017

Avril Lavigne

Ni: Motonari Mouri


Nag huhumiyaw ang lahat
Sa ganda't kulay niyang balat
Ang Binibining kilala't sikat
Ay akinin nang lahat. 

Ang magandang niyang kutis
Singkinis ng kamatis 
Kung balak mo siyang ilapis
Ang parusa mo'y ikiskis

Mayumi siyang tignan
Kung ito'y pag mamasdan
Ngunit ang taglay na kagandahan
Niya'y mas lalong lumalaban

Sa murang niyang edad
Awit niya'y isa isang lumantad
Siya rin ay unti unting nailahad
Dahil likas siyang mapalad

Tila ba isang dunggit
Kanyang tinig na malupit
At parang tuloy ng aakit
Kanyang boses sa himig ng awit

Sa angas niyang taglay
Mga kalalakihan ay naglalaway
Lahat ay handang ialay
Makamit lang ang tagumpay. 

Ngunit si abbey ay mapili
Kaya Rakista ang kanyang pinili
At Hindi siyang hili
Gaya nang bagong sali

Mas lalong na kilala
Ang buong niyang ngalan sa madla
Lalaki kung pomorma at mag dala
Ng Kasuotan sa madla

Ano man ang iyong isipin
Damit, brace man sa ngipin
O ibat ibang sapin
Basta ang unang isipin

Siya'y maganda parin
Anuman ang kanyang suotin
Sa atin mga paningin
Tiyak na babagay parin. 

Boyish at Emo, galawan dating
Siya ay ubod galing
At nakakahumaling
Sa mga taong nagbigay baling

Ang smile niyang awit.
Nadama hanggang langit. 
Sa mga taong nilait. 
Nang ubod ng babait. 

Makailan lang nagtanghal. 
Sa MTV parangal. 
Nag uwi ng parangal. 
Sa awit na may dangal. 

Muling siyang nag tanghal. 
Sa AMA may nag tanghal. 
Awit na pag mamahal. 
Nagkamit ng parangal. 

Ang tanging niyang dasal. 
Tinupad nang maykapal. 
Sa mga taong nag mahal. 
Suporta't minamahal. 

Ang Babaeng rakista. 
Pormahan din rakista. 
Nag simula't nakita. 
Sa tambayang iskinita. 

At nabago ang buhay. 
Talentong ang gagabay. 
Upang siya'y mabuhay. 
Sa araw araw na hagupit ay latay. 

Si abbey dawn ay emo. 
Siya ay katulad mo. 
Sinasaktan din gaya mo. 
Nag iisa rin tulad mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento