Sabado, Setyembre 9, 2017

Salamin

Ni: Motonari Mouri


Na basag ang salamin ko. 
dahil sa mga luhang pumapatak dahil sa’yo.
Paulit ulit na lang akong lumuluha.
Sa tuwing masilayan ko ang iyong mukha. 

kapag kasama mo ang bago mo. 
Ay unti unting dinudurog naman ang puso ko. 
Ayoko nang masilayan ang iyong ngiti.
at rosas mong labi kung sa kaniya naman ito'y dinadampi.

Ayoko nang masulyapan ang iyong mga mata. 
At kung paano mo siya titigan sa mata.
Sa Tuwing madadampi ng aking Mata.
Para bang hinding-hindi mo na siya pakakawalan pa.

Ayoko na sa’yo.
Ayoko na sa'yo. 
Basag na salamin.
Basag na salamin.

Ayoko nang humarap sa salamin ko.
At mangarap na may ikaw at ako.
Ayoko nang sumulyap sa ating nakaraan.
na tanging ako lang ang nagmamahalan. 

Ayoko nang titigan ang sarili kong nasasaktan.
Dahil patuloy pa rin kitang minamahal at inaalagaan.
Dahil ayaw ko man aminin na masaya ako.
kapag nakikita kitang masaya, masaya na ako.

Masaya na ako kapag hinahalikan mo siya.
At pinapangarap kong ako ‘yun sana.
Masaya na ako kapag siya’y inaangkin mo.
katulad ng pang-angkin ko sa’yo sa mga panaginip ko.

Sana naging bulag na lang akong katulad mo.
Para kaya ko ring gawin sa’yo.
Binabati ko kayo sa magandang biyaya pinag kaloob
Sana mahalin ninyo ang isat isa  pati ang biyayang kaloob

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento