Martes, Setyembre 12, 2017

Kian Loyd Delos Santos

Ni: Motonari Mouri


Isa, dalawa, takbo. 
Hindi siya nakatakbo. 
Sa larong baril at patay patayan. 
Dahil sapilitan hinuli at binaril ng dalawang kapulisan. 

Grade 11 student lang si kian. 
8:24 pm agosto 16 2017 nang matuldukan. 
Ang pangarap na maging pulis
Sa hinaharapa, yun ang araw nang kanyang pag tugis.

Sa Gabi ng madilim. 
Puno ng ingay at lagim. 
Ang espiritu ni kian nasa singitan, 
Ng buhay at kamatayan. 

Sa iskinitang ubod ng dilim. 
Sa ilalim ng buwan na buo ang lagim. 
Bangkay na natagpuan. 
Nakaluhod at subsob nang ito'y tignan. 

Para tuloy artistang ligaw. 
Nang duhugin nang tsismosang bangaw. 
Sabi ng mga pulis siya raw nanlaban. 
Kahit alam nang bayan ang buong dahilan. 

Nang ito'y mabalitaan. 
Pamilya ni kian, sa di kalayuan. 
Sila ay nag huhumiyaw sa galit, 
Hustisya, suklam at parunggit. 

Ipinag siksikan pa, na si kian ay nanlaban. 
Kaya napilitan ang pulisya na siya putukan. 
Ngunit may testigong mag papatunay. 
Na si kian inosente kahit na wala nang Malay. 

Paano ni kian ipag lalaban. 
Ang buhay na tinuldukan. 
Diploma, medalya, pangarap
Nakaguhit, sabay sa ulap. 

Ito panaman ang handog ni kian sa kanyang nanay. 
Napilitan umuwi at nadatnan na wala nang buhay. 
Salamat sa drogang kailanman Hindi niya ginawa. 
Salamat Kay PO3 Arnel Gastilo Oares buhay ni kian nawala. 

Akala ko ba ang mga kapulisan.
Ang  tagapagtangol ng bayan. 
Ngunit bakit siya dinakma at kinabahan. 
At inabutan ng baril na di alam ang dahilan. 

Pulis nga ba talaga ang tagapagligtas ng mamamayan
Pulis ba ang tagapaglitis nang inosente ng lipunan
Inosente si kian inyo pang pinahirapan
Nang mga pulis na gahaman

SPO 1 Jeremias Tolele Perada tang ina ka
SPO 1 Jerwin Roque Cruz tang ina ka
SPO 3 Arnel Gastilo Oares ulol at putang ina ka
Naway mapag tanto ninyo na kayo ay baliw at loka-loka

Lubos akong nakikiramay sa pamilya ni kian
Na nag luluksa sa kasalukuyan
Nawa ay may mabuting kahinatnan
Ang panulaan ko para Kay kian

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento