Ang Bangko ni Gloles
Ni: Motonari Mouri
Itinanim sa isip ng bawat tao.
Ang tinik na rosas na ipinangako.
Platapormang inihanda ng pangulo.
Ay naka plantsado pati ang mga panyo.
Sa eleksyon ko lang siya nakita.
Ang kumag na, salot na si gloria.
Sapagkat nakatago lang siya kanyang lungga.
Lunggang malamig na kaniyang pinagkukuta.
Biglang natahimik siya sa buong taon.
At biglang ingay naman sa eleksyon.
Parang zombie gutom at naghahamon.
Wala na pala kasing laman ang kanyang garapon.
Ang bulsa ni Joann gayun din sa bawat pilipino.
Siningot ng mga hayop sa Kongreso.
At agad nilang deposito sa bangko.
At ito ang malaking bituka ng Kongreso.
Makapangyarihan na salapi.
Tiyak na ikaw ay di makapagsasabi
Kahit na piping saksi
NakaKalat-kalat na kasi.
Budha o baboy ang bulsikot.
Si Napoles sa pangungurakot.
Ang kaban kasi ay sinimot.
Sinaid pati ipot.
Planado nila gloria at napoles.
Ang pag akin ng pera, kahit itoy butones.
Kaya tuloy na huli umabot ang balita ang batanes.
Ayan nag marka ang mukha nila zambales.
Ang mga tagahatol natin ay bulag.
Bingi ang at kanila rin katulad.
Kaya tuloy nakaligtas.
Si gloria at napoles na huwad.
Kailan ititigil ni Gloles ang pag sisiil Kay Joann.
Ang pag lilinlang at pakikipagbolahan.
Gamit ang palarong bayan, bingo ng gahaman.
At ang mapalinlang na roleta ng kasakiman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento