Martes, Setyembre 19, 2017

Sia

Ni: Motonari Mouri


Matandang babae mataas ang tinig. 
Pag pinakingan mo ika'y manginginig. 
Sa awitin siya'y tinankilik. 
Inilarawan din ang mga taong saltik. 

Walang nakakaalam sa kanyang wangis. 
Pag nag simula ng umawit sinlalim ng batis. 
Biglang lumitaw at sumikat sa madla. 
Chandelier ay tinankilik ng madla. 

Lahat napahanga sa husay at galing. 
Tulad ng iba sa kanya rin na humaling. 
Inilarawan niya ang karakter nang baliw. 
Gamit ang pamamaraan ng video pang aliw. 

Itim at puti kanyang simbulo. 
Higanting laso ang naka patong sa ulo. 
May pagkakatulad sa ibang mang aawit. 
Kaya minsan siya'y nagpaparinig sa mga imit. 

Kanyang baluti ay malupit. 
Panangalang buhok na ayaw ipagupit. 
Mga matang ayaw niyang ipakita. 
Pero tayo ay kanyang nakikita. 

Alive na awitin kanyang ipinarinig. 
Upang isalaysay ang panahon ng taglamig. 
Yun pala hudyat sa pinunong tinatanglaw. 
Tinangal ang karapatan niya't malaking kulaw. 

Sia ang kanyang ngalan, laging tandaan. 
Buhay at awit niya ay laging napapalibutan. 
Inanyayahan niya ang lahat na mag koro. 
Upang maunawaan niyo siya muna ang mag tuturo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento